Recycled Conversations II: College Moments

Some of the most bloggable conversations I had with my friends in our thesis days (2 years ago). Allow me to repost them. (And oh, ngayon lang yata ako magta-Tagalog sa blog ko nang bonggang bongga since I got my .com account.)

DOHNA

Nung Friday night, hindi dapat ako pupunta sa rehearsals nina Dohna and Glenn. Dumaan lang ako sa Aldaba Hall para sana magpaalam na manonood na lang ako ng Close To You, starring John Lloyd Cruz, Bea Alonzo and Sam Milby.

Sa labas pa lang, nakita ko na si Dohna. Sabi ko, “Hoy Dohna, may sasabihin ako sa’yo…

Sabi naman ni Dohna na nagmamadali nung panahon na yun, “Akyat ka na, dun mo na lang sabihin sa loob. Bilis, marami pang gagawin.

So sumama naman ako kay Dohna paakyat. Balak ko, dun ko na lang sasabihin na hindi na lang muna ako tutulong sa pagset-up at pagrehearse.

Pero, pero, pero pagpasok namin ng Aldaba Hall, isang superly duper cute na choreographer ang bumulaga saken. So ayun, pinakilala naman kami ni Dohna sa isa’t isa.

Tapos, tinanong ako ni Dohna, “O ano na ang sasabihin mo saken, bilis!

Damn.

Uhm, Dohna… ano pang kelangang gawin?

Hahaha, punyetang kalandian ‘to. Nakalimutan ko bigla yung sine.

ICANG

Sa Baywalk habang naglalakad kasama ko sina Icang, Dohna and Chinggay, napasigaw ako: “Oh my God! ICE MONSTER!!!” Peborit ko kasi ang Ice Monster. Strawberry forever.

Sabi ni Dohna, “Shet, Ice Monster tayo!”

Nag-second the motion naman ako. “Honga! Tara! Ice Monster! Ice Monster!”

“Ay, malamig e. Anlamig-lamig na nga, malamig pa kakainin natin,” hirit ng KJ na si Chinggay.

Sabi ko naman, “Sige na nga. Hanap na lang tayo ng iba. Figaro na lang, para coffee tayo.”

So papunta na lang kami ng Figaro.

Biglang nagsalita si Icang, Excited na excited, “Guys, ayun o, may Ice Monster dun! Waaah! Ice Monster tayo!”

Uhm, Icang, where have you been?!? Kanina pa namin pinaguusapan, in fact, nagmove on na kami.

Minsan talaga, feeling ko, nakadrugs si Icang.

TEZ

Si Tez naman, minsan magulo kausap.

Yoshke: Tez, hanggang anong oras bukas ang shoot?
Tez: Oo.

Hala. Ewan ko sa’yo.

TONET AND LEI

At the film lobby, Tonet, Lei and I were talking about MYMP. Tamang tama naman at nag-play sa MP3 player ko ang “Get Me.”

Yoshke: I really like this song.
Tonet: Alin?
Yoshke: “Get Me” ng MYMP.
Tonet and Lei: (sabay, gulat) Nye! AMPANGET KAYA NUN!
Lei: Mas panget pa nga yan sa “Love Has Come My Way” ni Heart Evangelista.
Yoshke: (tahimik muna) Um, gusto ko rin yun e.

WINWIN

Isang gabi, nagtext si Winwin, thesis partner ko.

Win: Yoshke, isip tayo ng pangalan ng kunyari production outfit natin for our thesis.
Yoshke: Uhm… Bi Couple Productions?
Win: Haha. I like that. O sige.
Yoshke: Um, Jerwin, I was just kidding.

Why would anyone take that seriously? Bi couple productions? Really? Haha.

GOD

Sa McDo Philcoa habang hinihintay namin nila Chinggay, Ayn, Frances and Icang si JV, sobrang daming tao. Biglang bumagsak ang laptop ko sa sahig mula sa mesa. Syempre nagulat ako. Napasigaw ako ng sobrang lakas ng:

“OH. MY. FUCKING. GOD!!!”

All eyes on me. Sa kabilang table, as in katabing-katabi ng table namin, ay nagmi-meeting ang Campus Crusade for Christ.

Sorry lang. Malay ko bang andyan kayo sa tabi. Haha.

I think I had better get a more decent, non-blasphemous expression. This one’s getting me in deep shameful shit.






Give me some lovin'! A comment would be nice, too!

You can post a comment using your Facebook or Twitter account. :)

  • http://kayesfiles.wordpress.com cecille

    ahahaha. parang nakarelate ako. dapat hindi pagsamahin ang group of friends naten. masakit sa ulo. panalo ang choreographer moment. i would have done the same. screw the movie. nyaha. at tama, ngayon lang ata kita nabasa magtagalog. =)

    • http://www.yoshke.com Yoshke

      puhlease, wag na silang dagdagan or pagsamahin. i can only take so much insanity at once. hahaha.

      honga, first time magtagalog. hihi

  • odin

    omfg!

    magpost din kaya ako recycled conversations… hehe la ako maisip na post e

  • http://www.jayviedistor.wordpress.com gravity

    wahahaha. super laugh trip. tawang tawa ako. winner ang set of friends mo. gusto ko din ang love has come my way. haha. the ice monster conversation reminds me of someone i know na huli sa balita. hahaha. hilarious ito. Ü

  • mace

    hahahaha

  • http://bittergrace.wordpress.com ayn

    try “oh my frakking gods!” so only bsg fans can relate. haha.

    • http://www.yoshke.com Yoshke

      trew! actually, right now im using “frakkin’” na. at least pag may nakarinig na cute tas narecognize nya na galing battlestar galactica yun, LOVE ko na sya kagad. hahaha. at start na ng conversation yun.

  • http://roneilberania.blogspot.com ron

    hahhha! i really enjoy your recycled converstions series. magrepost ka pa pleaaaaaaasee! :) ang pinakanatawa ako yung kay Icang…hehehe! parang si Dori sa finding nemo.. hehehe!

    • http://www.yoshke.com Yoshke

      thesis days kasi yun so bangag lahat ng mga tao. hihi

  • http://berglovespizza.com berg

    I don’t think si Icang lang ang nag-d-drugs among your friends wahihihi!

    what happened to your laptop?!

    • http://www.yoshke.com Yoshke

      feeling ko din. lalo na yang si Tez. haha

      well, bumagsak sya sa paa ko, as in sa paa. sa toes, actually. so hindi naman sya nasira nang bonggang bongga. actually, hindi sya nasira at all.

      THANK GOD. wahahaha

      • http://berglovespizza.com berg

        hehehe dalawa na… and counting…

        wow, sinuwerte ka. i wouldve had a heart attack, andaming precious data sa laptop pag nasira nu?

  • http://menthol-guy.com Kevin

    We shall hate each other in terms of music preferences. HAHA. Talagang MYMP at Heart Evangelista. :) To each his own na lang.

    At tagalog akong magmura. Hindi oh my fucking god. Ewan ko ba kung baket.

    • http://www.yoshke.com Yoshke

      no, kev, just that i appreciate pretty much ANY type of music. I swear. Haha. Defensive. :P

  • http://www.samjuan.com Samjuan

    Haha panalo mga friends mo. Asteg. pampasaya ng buhay, Hehe

  • http://keezay.multiply.com/ KZ*

    HAHAHAHA. Lafftrip.

  • http://survivorleo.multiply.com/ Lei*

    hehehe… ako din tuloy napareminisce, amishya!

  • http://neutralzone.wordpress.com/ Dohna*

    memories! did you watch his film? yung concerto?

    • http://www.yoshke.com Yoshke

      ^^^ NOOO. Pero GAWD, coincidence, nakasalubong namin sya ni Andre sa Gateway kagabi. Yeeeeeeeeeh.

  • http://neutralzone.wordpress.com/ Dohna*

    kewlness. watch it. para wala lang. maikel has his numero. kamownst! :D

    • http://www.yoshke.com Yoshke

      no i dont want his number. hehehehe.

      No im not being plastic. haha. But I’m already seeing someone. hehe

  • http://luna-bertigo.livejournal.com/ Frances*

    ow and now inaalala ko yung mcdo incident na yun. grabe lang namimiss mo agad ako chos. walang konek. sabaw ako.

  • asta

    panalo si tez at icang!!! haha!

  • Kevin

    Kung nalaglag sa floor ung laptop ko, P.I. ung sasabihin ko. Philippine Islands. LOL Corny pills. Sorry. Hahaha. :D

  • http://vitsofvins.blogspot.com vins

    laughing out loud here and the whole web marketing is staring at me… furiously

  • http://yahken.multiply.com The Lady in Green Ruffles

    love OMFG..naiimagine ko itsura mo nung mga panahong un..

    ahaha..fc

  • http://twitoaster.com/country-ph/yoshke/ yoshke

    One time sa McDo Philcoa, sobrang daming tao. Biglang bumagsak ang laptop ko sa sahig mula sa mesa. Syempre… http://www.yoshke.com/2008/09/recycled-c

    • is_icang

      @yoshke nakakamiss nga.

      • http://twitoaster.com/country-ph/yoshke/ yoshke

        @is_icang OMG. it’s youuuuu!!!! Im pleasantly surprised. :D Followed you!

        • is_icang

          @yoshke yipeeee. “pleasantly” surprised talaga. wee! hi there.

  • http://www.focalglass.com Photoblogger

    lol on the last one