Recycled Conversations II: College Moments
Some of the most bloggable conversations I had with my friends in our thesis days (2 years ago). Allow me to repost them. (And oh, ngayon lang yata ako magta-Tagalog sa blog ko nang bonggang bongga since I got my .com account.)
DOHNA
Nung Friday night, hindi dapat ako pupunta sa rehearsals nina Dohna and Glenn. Dumaan lang ako sa Aldaba Hall para sana magpaalam na manonood na lang ako ng Close To You, starring John Lloyd Cruz, Bea Alonzo and Sam Milby.
Sa labas pa lang, nakita ko na si Dohna. Sabi ko, “Hoy Dohna, may sasabihin ako sa’yo…”
Sabi naman ni Dohna na nagmamadali nung panahon na yun, “Akyat ka na, dun mo na lang sabihin sa loob. Bilis, marami pang gagawin.”
So sumama naman ako kay Dohna paakyat. Balak ko, dun ko na lang sasabihin na hindi na lang muna ako tutulong sa pagset-up at pagrehearse.
Pero, pero, pero pagpasok namin ng Aldaba Hall, isang superly duper cute na choreographer ang bumulaga saken. So ayun, pinakilala naman kami ni Dohna sa isa’t isa.
Tapos, tinanong ako ni Dohna, “O ano na ang sasabihin mo saken, bilis!”
Damn.
“Uhm, Dohna… ano pang kelangang gawin?”
Hahaha, punyetang kalandian ‘to. Nakalimutan ko bigla yung sine.
ICANG
Sa Baywalk habang naglalakad kasama ko sina Icang, Dohna and Chinggay, napasigaw ako: “Oh my God! ICE MONSTER!!!” Peborit ko kasi ang Ice Monster. Strawberry forever.
Sabi ni Dohna, “Shet, Ice Monster tayo!”
Nag-second the motion naman ako. “Honga! Tara! Ice Monster! Ice Monster!”
“Ay, malamig e. Anlamig-lamig na nga, malamig pa kakainin natin,” hirit ng KJ na si Chinggay.
Sabi ko naman, “Sige na nga. Hanap na lang tayo ng iba. Figaro na lang, para coffee tayo.”
So papunta na lang kami ng Figaro.
Biglang nagsalita si Icang, Excited na excited, “Guys, ayun o, may Ice Monster dun! Waaah! Ice Monster tayo!”
Uhm, Icang, where have you been?!? Kanina pa namin pinaguusapan, in fact, nagmove on na kami.
Minsan talaga, feeling ko, nakadrugs si Icang.
TEZ
Si Tez naman, minsan magulo kausap.
Yoshke: Tez, hanggang anong oras bukas ang shoot?
Tez: Oo.
Hala. Ewan ko sa’yo.
TONET AND LEI
At the film lobby, Tonet, Lei and I were talking about MYMP. Tamang tama naman at nag-play sa MP3 player ko ang “Get Me.”
Yoshke: I really like this song.
Tonet: Alin?
Yoshke: “Get Me” ng MYMP.
Tonet and Lei: (sabay, gulat) Nye! AMPANGET KAYA NUN!
Lei: Mas panget pa nga yan sa “Love Has Come My Way” ni Heart Evangelista.
Yoshke: (tahimik muna) Um, gusto ko rin yun e.
WINWIN
Isang gabi, nagtext si Winwin, thesis partner ko.
Win: Yoshke, isip tayo ng pangalan ng kunyari production outfit natin for our thesis.
Yoshke: Uhm… Bi Couple Productions?
Win: Haha. I like that. O sige.
Yoshke: Um, Jerwin, I was just kidding.
Why would anyone take that seriously? Bi couple productions? Really? Haha.
GOD
Sa McDo Philcoa habang hinihintay namin nila Chinggay, Ayn, Frances and Icang si JV, sobrang daming tao. Biglang bumagsak ang laptop ko sa sahig mula sa mesa. Syempre nagulat ako. Napasigaw ako ng sobrang lakas ng:
“OH. MY. FUCKING. GOD!!!”
All eyes on me. Sa kabilang table, as in katabing-katabi ng table namin, ay nagmi-meeting ang Campus Crusade for Christ.
Sorry lang. Malay ko bang andyan kayo sa tabi. Haha.
I think I had better get a more decent, non-blasphemous expression. This one’s getting me in deep shameful shit.
ahahaha. parang nakarelate ako. dapat hindi pagsamahin ang group of friends naten. masakit sa ulo. panalo ang choreographer moment. i would have done the same. screw the movie. nyaha. at tama, ngayon lang ata kita nabasa magtagalog. =)
puhlease, wag na silang dagdagan or pagsamahin. i can only take so much insanity at once. hahaha.
honga, first time magtagalog. hihi
omfg!
magpost din kaya ako recycled conversations… hehe la ako maisip na post e
wahahaha. super laugh trip. tawang tawa ako. winner ang set of friends mo. gusto ko din ang love has come my way. haha. the ice monster conversation reminds me of someone i know na huli sa balita. hahaha. hilarious ito. Ü
hahahaha
try “oh my frakking gods!” so only bsg fans can relate. haha.
trew! actually, right now im using “frakkin'” na. at least pag may nakarinig na cute tas narecognize nya na galing battlestar galactica yun, LOVE ko na sya kagad. hahaha. at start na ng conversation yun.
hahhha! i really enjoy your recycled converstions series. magrepost ka pa pleaaaaaaasee! 🙂 ang pinakanatawa ako yung kay Icang…hehehe! parang si Dori sa finding nemo.. hehehe!
thesis days kasi yun so bangag lahat ng mga tao. hihi
I don’t think si Icang lang ang nag-d-drugs among your friends wahihihi!
what happened to your laptop?!
feeling ko din. lalo na yang si Tez. haha
well, bumagsak sya sa paa ko, as in sa paa. sa toes, actually. so hindi naman sya nasira nang bonggang bongga. actually, hindi sya nasira at all.
THANK GOD. wahahaha
hehehe dalawa na… and counting…
wow, sinuwerte ka. i wouldve had a heart attack, andaming precious data sa laptop pag nasira nu?
We shall hate each other in terms of music preferences. HAHA. Talagang MYMP at Heart Evangelista. 🙂 To each his own na lang.
At tagalog akong magmura. Hindi oh my fucking god. Ewan ko ba kung baket.
no, kev, just that i appreciate pretty much ANY type of music. I swear. Haha. Defensive. 😛
Haha panalo mga friends mo. Asteg. pampasaya ng buhay, Hehe
HAHAHAHA. Lafftrip.
hehehe… ako din tuloy napareminisce, amishya!
memories! did you watch his film? yung concerto?
^^^ NOOO. Pero GAWD, coincidence, nakasalubong namin sya ni Andre sa Gateway kagabi. Yeeeeeeeeeh.
kewlness. watch it. para wala lang. maikel has his numero. kamownst! 😀
no i dont want his number. hehehehe.
No im not being plastic. haha. But I’m already seeing someone. hehe
ow and now inaalala ko yung mcdo incident na yun. grabe lang namimiss mo agad ako chos. walang konek. sabaw ako.
panalo si tez at icang!!! haha!
Kung nalaglag sa floor ung laptop ko, P.I. ung sasabihin ko. Philippine Islands. LOL Corny pills. Sorry. Hahaha. 😀
laughing out loud here and the whole web marketing is staring at me… furiously
love OMFG..naiimagine ko itsura mo nung mga panahong un..
ahaha..fc
One time sa McDo Philcoa, sobrang daming tao. Biglang bumagsak ang laptop ko sa sahig mula sa mesa. Syempre… http://www.yoshke.com/2008/09/recycled-c…
@yoshke nakakamiss nga.
@is_icang OMG. it’s youuuuu!!!! Im pleasantly surprised. 😀 Followed you!
@yoshke yipeeee. “pleasantly” surprised talaga. wee! hi there.
lol on the last one
hahaha! Sarap balik balikan un mga ganun moment.
hahaha dyahe moment. 🙂
haha, hindi ko talaga makakalimutan yung Mcdo Philcoa. pero hindi dahil dyan. Chos! hahaha