We Grew Over It, Didn’t We?

When I was young, my mum and my sister fed me ideas that I ingested and digested until I realized I had been Punk’d.

Wag ka lulunok ng buto ng santol, tutubo yan sa loob ng katawan mo.

I understand the intention. But hey, I actually bought that. I even went telling my classmates about it and discouraged them from taking in seeds of santol or any other fruit. And so eating watermelon suddenly became a painstaking activity. And dirty, too.

Imagine how horrified we felt knowing we had eaten a lot of guava fruits before. At tangena lang. Subukan mong wag kainin ang buto nun.

I believed it until the tiny little organ in my head called brain acquired information that it was impossible for a plant to actually grow inside the human body. But hey, I was just a boy.

I know I’m not alone. For sure, your parents have told you a lot of scary, traumatizing things that turned out to be untrue and utterly stupid.

  • Matulog ka sa hapon kundi hindi ka tatangkad.
  • Pag nabungi ka, kelangan mong ibaon sa lupa yung ngipin. O di kaya, itapon mo sa bubong. Para tubuan ka ulit ng isa pang ngipin.
  • Wag ka matutulog ng basa ang buhok, mababaliw ka. Or mabubulag ka. (Depende sa nanay mo.)
  • Wag ka kakain ng itlog bago mag-exam kundi zero ang score mo.
  • Wag ka maglalaro pag Mahal na Araw kasi patay ang Dyos. Pag nagkasugat ka, hindi gagaling yan. May lalabas na pari at kanin sa sugat mo.
  • Wag mo ituturo ang rainbow, mapuputol ang daliri mo.
  • Wag ka magpapahakbang sa ibang tao, hindi ka na tatangkad. Pag nahakbangan ka na, kailangan balikan ka nya.
  • Wag ka magsisinungaling, hahaba ilong mo. (Thanks Pinnochio for the inspiration.)
  • Wag ka magta-tanga-tangahan. Pag nahipan ka ng masamang hangin, magiging permanente yan.
  • Wag ka magne-nailcutter pag gabi kasi parang sinusumpa mo yung magulang mo. (Huh?)
  • Wag ka magne-nailcutter pag Biyernes, may mamamatay.

Kumusta naman! Andami ko nang napatay! Baka ako pa yung dahilan nung 9/11! Nag-nailcutter kasi ako the night before! Haha.

ANLABO! Pero aminin nyo, one time in your life, you actually believed at least one of these.

Last week, I just told my nephew that if he kept on having fried chicken every meal, he’d turn into a big chicken.

Pasa-pasa lang yan. Pagkakataon ko na gumanti. Mwahaha.
*image courtesy of  bbc.co.uk

Viewed 954 times by 307 visitors this month

If you liked this post, you might want to check out:

Subscribe to Yoshke.com and receive updates when there is a new post!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


Posted on by Yoshke in Family, Humor

39 Responses to We Grew Over It, Didn’t We?

  1. john stanley

    bentang-benta pa rin sa akin yung pag nasugatan ka, may lalabas na tren. =)

    • Yoshke

      wahahaha. TREN?! Haha.

      Tinalo yung pari!

  2. noah

    >Wag ka matutulog ng basa ang buhok, mababaliw ka. Or mabubulag ka. (Depende sa nanay mo.)

    -Lagi akong napagsasabihan nito, kaya super natataranta ako pag nakakatulog akong basa ang buhok! Haha. Lalo na pag after magswimming.

    >Wag ka magpapahakbang sa ibang tao, hindi ka na tatangkad. Pag nahakbangan ka na, kailangan balikan ka nya.

    -Bentang-benta sakin ‘to.Feeling ko nga sinisisi ko lahat ng humakbang sakin kaya di ako matangkad! Nyahahah. :)

    • Yoshke

      super natataranta ako pag nakakatulog akong basa ang buhok! Haha. Lalo na pag after magswimming.

      AKO RIN! hahahaha. Pag antok na antok ako, pipigilan ko talaga. Effort kung effort! Haha

  3. MkSurf8

    hanggang ngayon takot pa rin ako mag nailcutter sa gabi.

    • Yoshke

      ehehehe. Hindi ka na makaget-over.

  4. gilbert

    wag ka manghuhuli ng paro-paro… nakakabulag yung pakpak nun… totoo ba yun?

    tas… sa mga babae…yung unang tagos daw nila ihilamos nila… pampakinis ng mukha… ewan ko ba, kwento sakin ng mga kalaro ko noon…

    lolz

    • Yoshke

      totoo nga yata yung sa paru-paro. haha.

      on UNANG TAGOS (wow, parang title ng pelikula), yung unang ihi mo daw sa umaga, gamot sa sore eyes. hahaha

    • Kevin

      Uhm. Siguro hindi naman talaga nakakabulag ung pakpak niya. Baka maka-infect lang naman. Well, not necessarily ung pakpak pero ung parang fibers or whatever you call it. Pag nagfa-flap kasi sila ng wings, may nalalaglag na something, similar to moths or other winged insects na parang may super-duper mini scales ung pakpak. So ayun. Pag bonggang-bongga ung nahulog sa mata, baka ma-ano ung mata mo.

    • Yoshke

      May tawag dun sa Tagalog eh. Dun sa tiny things na nahuhulog sa pakpak ng paru-paro. Gaaaaaaaaaaah, hindi ko maalalaaaa.

    • Kevin

      Buti ka nga alam mo dati, ako hindi ko talaga alam. Hahaha

  5. herbs

    good thing the times are changing at konti nalang nagaganito these days.

    pinakamalalo sa akin noon eh every time na nagkakasugat ako may lalabas daw na kambing at butiki dun pag walang band-aid. syempre, paranoid ang lola mo! hahaha

    • Yoshke

      Marami pa rin naggaganyan lalo na sa probinsya!!! Haha

  6. deejay

    “Wag ka matutulog ng basa ang buhok, mababaliw ka. Or mabubulag ka. (Depende sa nanay mo.)”

    sa amin, pag natulog daw ng basa ang buhok maduduling. at may kasamang example yun ha. yung titser kasi namin, duling.

    yun, meron pang panakot sa amin. kaya never kaming natulog ng basa ang buhok.

    • Yoshke

      hahaha, tinanong nyo naman yung teacher nyo? “Ma’am/Sir, lagi po ba kayo natutulog pag tanghali?”

      :P

  7. maccallister

    hahaha this is so true!

    ang pinaka gasgas sakin nung bata ako e yung wag matutulog ng basa ang buhok hehe!

    hay our folks are really funny when u look back those years!

    • Yoshke

      trew. nakakaasar kasi bumenta talaga sa tin. Pero nakakatawa na lang din. haha

  8. gravity

    true! we were gullible back when we were kids. and our parents take advantage of that!

    pag natulog ng basa ang buhok mababaliw. hahaha!
    pag nagnailcutter ng friday may mamatay! weiiiiiiiird talaga diba hahahahaÜ

    • Yoshke

      true. tayo naman, paniwalang paniwala. haha

  9. meow

    hahaha! inabutan ko pa ang iba dito! puro kalokohan lang daw yan sabi ng lola ko!

    nagnakaw ka daw ng itlog kapag sinisinok?!! bwehehehe!

    • Kevin

      Nagnakawa ng itlog pag sinisinok?! WTF?! Hahahaha

    • Yoshke

      MEOW, Wahaha! NAGNAKAW NG ITLOG! Syet, araw-araw pala ay may ninanakaw akong itlog! Kaninong itlog naman kaya yun! Haha

      ASTIG YUNG LOLA MO!

  10. gentle

    May lalabas na pari at kanin sa sugat mo

    hehehe. this is super weird. buti na lang walang nagsabi sa kin nito before. :)

    • Yoshke

      and creepy!!! Lalabas yung pari?!?! Sa horror stories, benta yung pari eh. Yun yung naiimagine ko nun.

      • gentle

        may isa pa ako naalala, yung pag may tinuro kang rainbow or bulalakaw, mapuputol daliri mo. hehehe.

  11. Nash

    well actually naman ko din ito sa mga magulang ko.

    paraan lang ito para matakot ang kabataan na hindi gumawa ng di tama :)

    apir

  12. Joms

    We belong to the same generation. Hindi mo pa nadagdag na kapag umuulan at umaaraw at the same time, may kinakasal na tikbalang.

    • Kevin

      Ay ung sabi samin iba. No offense meant or anything, pero sabi samin dati pag ganun, may kinakasal na matandang Chinese at batang kahit anong race. Weird.

    • dust

      isn’t it dwende ang kinakasal? i think dwende…or baka tikbalang din. haha!

    • Kevin

      Kung anu-ano na sinasabi sa atin dati, hindi na natin malaman kung ano talaga. Lovet. Hahahaha

  13. ron

    haha! nakarelate ako dun sa santol. at dahil natutunan ko sa skul na plants need water to grow…sabi ko pa sa mga classmates ko wag silang iinom ng tubig kapag nakakain ng buto. haha!

    superstitions are really funny (ngayong nagkautak na ko) haha!

    • Kevin

      I love the suggestion to the classmates. Hahahaha. At least ina-apply sa life ung tinuturo sa school. Hehehe ;)

  14. dust

    >>Wag ka magpapahakbang sa ibang tao, hindi ka na tatangkad. Pag nahakbangan ka na, kailangan balikan ka nya.
    >>Matulog ka sa hapon kundi hindi ka tatangkad.

    - kaya siguro di na ko tumangkad. i bet that both of this are a big factor kung bakit ang liit ko. kidding. pero mabenta na mabenta sa aming mag pipinsan ung pag nahakbangan ka ng ibang tao di ka tatangkad, because my cousin cried when i threaten him na hahakbangan ko sya. but now ako yata ang nahakbangan. haha!

  15. VinS

    Wag ka magne-nailcutter pag gabi kasi parang sinusumpa mo yung magulang mo. (Huh?)

    ^^Naniniwala pa rin ang mom ko diyan… haayy

  16. eloiski

    * Matulog ka sa hapon kundi hindi ka tatangkad.
    -agree! mama at papa ko nagsabi nito. asar. hindi tuloy ako nakakalaro pag hapon.

    * Pag nabungi ka, kelangan mong ibaon sa lupa yung ngipin. O di kaya, itapon mo sa bubong. Para tubuan ka ulit ng isa pang ngipin.
    -naniwala din ako dito. sa amin nga lang itapon mo sa kanal. asar!

    * Wag ka matutulog ng basa ang buhok, mababaliw ka. Or mabubulag ka. (Depende sa nanay mo.)
    -pinipigilan ko talaga matulog noon. kahit sakit na ng mata ko, hindi ako natulog! asar!

    * Wag ka kakain ng itlog bago mag-exam kundi zero ang score mo.
    -isa pa ito. kaya pinapaluto ko noon hotdog. asar!

    * Wag mo ituturo ang rainbow, mapuputol ang daliri mo.
    -panalo! ang ginagawa ko noon, itinuturo ko ang rainbow gamit ang nguso. asar!

    * Wag ka magpapahakbang sa ibang tao, hindi ka na tatangkad. Pag nahakbangan ka na, kailangan balikan ka nya.
    -napakaadik nito. kaya nga noon may humakbang sa akin, waaaah balik ka dito hakbangan mo uli ako ang drama ko. asar!

    * Wag ka magta-tanga-tangahan. Pag nahipan ka ng masamang hangin, magiging permanente yan.
    -panalo to! at parang hanggang ngayon naniniwala pa rin ako. may pruweba kasi sila. asar!

    * Wag ka magne-nailcutter pag gabi kasi parang sinusumpa mo yung magulang mo. (Huh?)
    -isa pa ito. ano bang masama doon? eh kung yun na nga lang ang time ko na magnailcutter! anong konek nun sa magulang ko! waaaaaaaaah! kaya hindi ako noon naniniwala. meron pa. pag nagnailcutter ka daw sa gabi eh hindi na tutubo. sana nga nangyayari ito para hindi na ako magnailcutter eh.

    -Meron pa sa akin. Sabi nila pag makati daw wetpaks mo may namatay daw na Intsik! wafakels!

  17. Maki

    I actually did believe at least one of this. Stupid parents, or whoever taught my parents these stupid things while they were young.

    Once, nadapa ako, dumugo.

    Nanay: O ayan! Lalabas na pariiii!
    Ako: (lumingon-lingon) Ha? Asan ang pari?! Nay naman eh.

  18. samjuan

    Sabi ng tatay ko at mga lola ko, wag mo daw gawing unan yung mga braso, kundi mamamatay daw mga magulang mo.
    One tym, nung galit na galit ako sa kanila, ginawa kong unan ang mga braso ko, walang namatay.

  19. L

    wtf…funny how they used to make us takot..i also remember another, wag daw magpapagabi sa labas kakalaro kasi kukunin ka ng bumbay!

Add a Comment

More in Family, Humor (44 of 107 articles)


Guys, favor. Please answer the poll question on the sidebar. I would really appreciate it if you participate. It's work-related. Thank you. :) In the office, there's an undeniable force that affects the workplace fun level tremendously. It's a duo called "The Mean Team." They are unbelievably mean, thus the name. And I'm half of the Mean Team. The other ...