Top 25 Local TV Shows I Miss: Youth-Oriented Shows, Etc

I grouped the programmes by genre. So the rankings don’t really matter. Ehehe. Sa batch na ‘to, yung talk shows, drama anthologies, and youth-oriented shows.

25. MAGANDANG GABI, BAYAN!

As my friend Dam-dam pointed out, there were two things that really made this show very, very interesting and enjoyable.

Halloween Special. As in. I swear, magkamatayan na tayo but I would not miss their Halloween episode. It was just sinisterly spooky. The reenactments were desperately haunting I couldn’t understand why I would always want to watch it even if I knew that I would be so totally afraid to be alone in the days to come. Tipong ihing-ihi ka na, ayaw mo pa rin mag-wiwi kasi nakakatakot. Grabe lang yung “black lady na nangangalampag ng pinto.” Hanggang ngayon she stars as the lead in my nightmares.

New Year Special. To quote Dam-dam, “yung New Year’s episode nila na pinapakita ang mga naputukan, naputulan ng kamay at tinamaan ng bala. Walang panama ang Grey’s Anatomy at ER sa masabaw na dugo na take note, walang konsepto ng blur at pixel.”

24. ALAS SINGKO Y MEDIA

“Alas singko y media na, paboritong palabas ko sa umaga. Halina’t gumising na. Tayo na’t manood ng Alas singko y media.” Hihi,

Missing alas singko y media is almost tantamount to missing my childhood. The show was a significant part of my life then — a part of my routine. Tumututok ako dito while getting ready for school. Peborit ko ang traffic report ni Aida Gonzales kahit na taga-Batangas ako at wala namang kinalaman saken kung traffic sa Maynila (eh traffic naman araw-araw pag umaga, paulit-ulit lang yung report nila.) And I would wait until Cheryl Cosim had done the weather forecast (I was in love with her) before I would finally turn the TV off and leave for school. And I witnessed the Julius-Tintin love story blossom. Yeeeh.

23. MORNING GIRLS WITH KRIS AND KORINA

What I loooved about Morning Girls with Kris and Korina was that unlike many of our talk shows back then (and even today), they actually got to talk sensibly. At first, I thought their tandem would not work. But boy was I so wrong. Kris’s chismosa-factor blended well with Korina’s ruthless criticisms, all against a Talk TV backdrop. My fave segment was K2K, where the hosts comment on the various issues that bannered most newspapers. Kung sana ganito ang mga local talk shows natin ngayon, eh di masaya manood ng TV. But noooo, just look at Sis! It’s a frakkin’ circus!

22. STAR DRAMA THEATER PRESENTS

Dito nila sino-showcase yung talent ng iba’t ibang artista. Iba-ibang roles kada Saturday. Iba-ibang artista kada month. Pero hindi nawawala sa utak ko yung “Kleptomania” episode kung saan nagsama sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal. Hihi.

21. MARICEL SORIANO DRAMA SPECIAL

Bilang fan ni Maricel Soriano, enjoy na enjoy ko ‘to pag Tuesday night. At gusto ko rin pag horror. Yun naman ang nakakabilib kay Maria, napaka-versatile nya. She can do drama, comedy, and horror with the same intensity and impact.

20. CALVENTO FILES

Hindi sya horror pero fraaaak, nakakatakot yung show. Mr. Tony Calvento just gave me the creeps. Screw the story. The host was scary enough.

19. FLAMES

Dapat nire-revive ng ABS-CBN ‘to para magkabuhay naman ang afternoon slot nila. Hehe. Naalala ko nun yung Kuya ko, inis na inis kasi may pasok sya pag Friday. Haha. So masisimulan nya at mapapanood Monday to Thursday tas hindi naman nya malalaman ang ending.

Yung first story nila ay si Marvin Agustin at Jolina Magdangal yata. Sila kasi yung parang Kim at Gerald noon. Tangena, ang jologs ko na naman.

18. OKATOKAT

Tuesday was my fave weekday back then because of Okatokat. Yes, I’d say “Nginiiig” is the best horror programme in the history of Philippine television both technically and creatively. Pero episodic kasi ang Nginiiig. Series ang Okatokat kaya mas nakaka-hook at mas enjoyable. Starring Agot Isidro, Ricky Davao, Rica Peralejo, Jericho Rosales, Diether Ocampo and Angelika dela Cruz. Astig pa ang theme song! (Ako’y napahiya nang makilala ko kung sino, ang nanay lang naman pala akala ko multo. Isang araw, Okatokat!)

17. TABING ILOG

Ang ganda-ganda ng Tabing Ilog nang bonggang bonggang bonggang bonggang bongga. Fine, OA na. Bonggang-bongga lang. Sinundan ko talaga ang kwento nina Eds and Rovic. (You see, I’m a true-blue John Lloyd Cruz fan, K?) Tapos ang galing din ni Jodi Sta. Maria bilang tomboyin na si George at ni Desiree del Valle bilang atribidang si Corrine. At si Baron Geisler bilang Fonzy. Tapos humabol pa si Trina Zuniga (na peborit ko sa Click dati). Tas kalaban si Mylene Dizon at si Beth Tamayo. Tas sumingit din si Rafael Rossell.

16. GIMIK

Saturdays, 4pm. Judy Ann Santos. Rico Yan. Diether Ocampo. Diego Castro. Waaaaaah. Grabe. Nakaka-miss sina Dianne, Ricky, Gina, Ese, Gary, Joey, Melanie, Carlo, etc. I never liked TGIS ever. But Gimik, oh, Gimik was looooooove. Although the quality of the show deteriorated when they introduced more and more characters until the original cast was gone and I couldn’t recognize the show anymore. I just wish Juday never left the show.

Comments

  1. LOL!!!

    love MGB Halloween specials, and nakakadagdag pa sa spook factor kasi doon kami sa bahay ng lolo ko sa quezon lagi nanonood nun.

    “alas singko y media na….” hehe i love miss Aida G!

    i remember summer vacation nagstart ang morning girls with k&k, at halos walang mintis ko siyang pinanood hehe

    peyborit ko rin maricel drama special… i used to think na she’s a lot like my mom, that time they had similar short haircuts and similar body frame… at parehas MADRAMA!

    akin si john lloyd!

    • AKIN sya! Sabi nya saken nung nakasama ko sya sa shoot ng “Dubai” kung saan ako nag-intern, akin lang daw sya. Haha. CHAR! Pero seriously, nakasama ko si John Lloyd sa shoot ng “Dubai,” mabait naman sya.

      Totoo! Bakasyon noon nung Morning Girls eh, tapos dapat 2 weeks lang. Tas naextend na nang naextend. Sayang. Sana ibalik nila. Pagurin nila si Korina at Kris. Andami na niyang shows. Haha.

  2. dahil solid kapamilya ka ever since, mahal na din kita! hahaha…

    peyborit ko karamihan ng mga list mo… at yes natatandaan ko ang black lady na nangangalapag ng pinto habang ang babae ay nagsasaing sa basement at hidni niya alam ang gagawin niya dahil hindi siya makalabas dahil ang bonggang bonggang black lady ay nasa pinto… HAHAHA!!!

    ang gusto ko ay yung itim na mama sa killer tulay na sumasakay ng trike kapag 12 ng gabi!!!

    ilan din sa mga namimiss ko ay ang connie reyes presents at ATBP (awit, titik, bilang at iba pa)!

    i feel for your kuya, tsk! tsk! sad. hehehe!

    • hahaha. Lumaki talaga ako na kapamilya eh. Nanonood naman din ako sa GMA7 kaso hindi ko talaga gusto, hindi ko ma-take ang kapangitan. Hehehe.

      natatandaan ko ang black lady na nangangalapag ng pinto habang ang babae ay nagsasaing sa basement at hidni niya alam ang gagawin niya dahil hindi siya makalabas dahil ang bonggang bonggang black lady ay nasa pinto… HAHAHA!!!

      Hindi sya nagsasaing. She was doing the dishes. Haha. Tapos there were two doors. She ran towards the other door but it was locked so she had no choice kundi daanan yung tangenang black lady na nangangalampag ng pinto. SHeeeeet. Hindi ko makalimutan. Haha. Yung hitsura pa ng black lady, grabeee lang.

      • haha! yan din yung pinaka-naalala ko sa MGB. nagsasaing ata yung babae sa basement. tas pangasar talaga yung mukha ng black lady, parang nakasmile pa ata! shyet! hehe!

      • hindi sya nagsasaing. naghuhugas sya ng pinggan.

        tas may nag-“psssssst” sa kanya, akala nya asawa nya, nag-pssst din sya. tas nagpalitan lang sila ng psssst. paglingon nya

        black lady pala tas inuuga nya yung pinto. grabe. haha.

        ang lesson dito ay wag kang makipag-psssst, K? kasi baka hindi tao yung ka-pssst mo. hahaha

  3. OMG, I LOVE the MGB Halloween special! I’d be cowering in fear, but I’d still watch it! I remember this one story where some dwarf fell in love with this girl and made her ugly so no other humans would like her. Yeah, that was some years ago, so I remember it vaguely 😛

    Oooh, ohh, I also liked Flames although I didn’t quite understand it back then. I used to watch it when I was like 8-10 haha. Hmm, what was that show where Heart Evangelista first appeared? With Camille and John Pratts and them, I can’t quite remember the title. I loved that show 😛

    Haha, pansin ko lang, kapamilya ka? Lol.

  4. 55 years na tayo Kapamilya!

    hahaha. i love gimik! as well as MGB halloween and New Year’s specials! why aren’t you gonna be at EK? birthday ni Rian a few days after noh.

  5. im sure!.. nobody dares to miss MGB halloween episodes.. yun yung msayang pnoorin sa lahat! dko alm kung bkit ngeenjoy ako pnoorin at abangan yun khit na lam kong ndi ako mkk2log sa gabi.. hehe.. kaya lng nung tumagal medyo nkornihan nko.. nging comedy bgla.. hehe.. siguro kc dahil lumaki nko at naiintndihan ko n yung mga effects nla [na prosthetics lang ang lahat]..;)

    tabing ilog, favorite ko rin yan.. pnapanood ko yan kc super crush ko c patrick e. dko pa pansin ung kgwapuhan ni john lloyd nun, pro panalo tlga xa sa pag acting!.. tpos pinasok pa si Rafael rossell sa show kaya ayun, lalong hindi ko napansin c Lloydee..Ü

    yes! go! go! go! kapamilya!!.. hehe..

    • actually hindi pa pogi si john lloyd nun. ang payat nya nun tas sobra puti tas bulging yung mata. hehe. pero love ko sina eds and rovic eh. haha

  6. oh my! me, too! i never missed an MGB halloween special. Favorite ko dn ang calvento files every friday night. haha. pati maricel drama specials every mondays.

    Gimik!! haha. i love mylene dizon as melanie suntay. Ü

  7. malapit na naman ang haloween! ang saya na naman kasi puro takutan na naman. naging trademark na magandang gabi bayan yung haloween special nila. pero parang hindi na xa ganun nakakatakot ngayon kasi siguro na outgrow ko na. hehehe! pero papanoorin ko pa rin. mas nakakatakot nung si noli de castro pa yung host…

    yung maricel drama special! bukod sa maalala hindi ko ikakailang pinaiyak din ako ni ms maricel… she’s my favorite actress 🙂

    • peborit mo si ate mary? i like your taste. ehehehe. excited na nga ako sa Florinda eh, yung sineserye kasama si roxanne guinoo at nikki gil at william martinez.

  8. Haha. Panalo yung MGB Halloween kahit kelan! haha! astig lang!

    Natatakot ako sa mga mukhang demonyong lumilitaw sa salamin, tapos yung mga kabaong na bigla na lang magpapakita sa kalsada pag gabi, tapos yung matandang laging aswang/white lady ang role, takot ako sa kanya noon. Haha. At sa liblib na prubinsiya pa namin yun palaging napapanood.

    Grabe lang yung calvento files, mas natatakot ako dun kesa okatokat eh.

  9. ayun.. ang saya naman nito.. naalala ko 2loy ang aking kabataan nuong… never mind.. pinak dabest is the MGB Halloween’s special… ung pugot na ulo ang d ko makalimutan.. hanggang ngayon un ang ayokong makasalamuha ko sa panaginip… malamang mamatay nako pag iyon ang lumabas.. ahaahhaa….

  10. alala ko every year, yung new year’s epi ng MGB. Nafeature dun kamag-anak namin dati, batang naputukan at dinala sa Ospital ng Maynila. Nakakadire, pero nakakatawa!!!

  11. so kapamilya. hihihi! ay pinapanood ko din yang mga yan dati except siguro sa alas singko y media. di ko masyado napapanood. walang time sa umaga.

    fave ko din halloween special ng mgb. mga ilang gabi din ung ayaw ko magpatay ng ilaw pagkakatapos manood. haha!

    fave ko gimik (na talaga namang naka-shorts si juday dun. hihi!) na naging g-mik, oka tokat, tabing ilog, flames. oo nga, mga nasusubaybayan ko yan dati. noong kabataan ko. hihi! ano pa nga ba?

    tv addict pa ako nun at wala pa kaming cable kaya puro shows ng abs. hihi! pero kapamilya talaga kami.=p

  12. Hala!!! sayang wala ng MGB… inaabangan ko dun yung last part kung saan magpapaalam na si Ka Noli “Magandang Gabi Bayan” sabay disapir o kaya fade in o kaya may tatawa ng parang demonyo… hala naalala ko pa grabee dun sa tabo ng nitso na may ulap/usok effects….

    Kapamilya din ako mula pa nung panahon ng gma dinasours… hehehe OA

    Anyway di lang ako pinapayagan manuod ng mga tagalog teleserye gaya ng Tabing-Ilog, Flames etc. Pero sa bahay namin shinooting yung unang episode ng Calvento Files (Carmina and Eric) as in nawindang ang Moret St sa Sampaloc noon… uyy naalala ko Fissan at Kiwi natampo kami sa ABS nun nung hindi napili bahay namin (ahahahaha)

    Well bawi naman ako sa Cedie.. Princess Sarah.. Nilo and the Dog Flounder (tama ba?)… hmmm andami pa Saber Marionette at Rey Earth! kami’y narito asahan nyo magtatangol… hum hum hum hala karambola na kmi kung sino pinakamalapit sa TV… ay si Rosalinda pa.

    Yoshe salamat naman at may isang henyo na kagaya mo na proud to be ka… kapamilya!!! ahahaha

  13. OMG dude sumakit ang dibdib sa sobrang nostalgiang naramdaman ko while reading this post! waaaaaah! nakakamiss ang mga shows na to… well not all of them hehe (ew @ tabing ilog… no offense hahaha).

    MGB – maghahalloween na next week but wala nang MGB, san na kaya tayo kukuha ng yearly fix of horror stories natin… ones that are actually done right and not O.A.

    Alas Singko Y Media – wow… this was such a breath of fresh air when it first came out back then on local morning television. oo nga noh yung Tintin-Julius love story, until kinasal silang dalawa… i think i even watched the wedding hihihi

    Morning Girls – hahaha i have friends who still say “…with Kris … and Korina”
    to this day… just randomly

    Gimik – hahaha i think I watched some episodes of this. not bad hehe

    • yep, parang ang sarap sarap manood nun ng ASYM kasi parang bago talaga.

      Yung mga friends ko rin minsan! with kris and korina. Hindi na naka-get over. haha

  14. kapamilya ka din pla! *apir! haha!!

    kaso nasan na ang Coney Reyes on Camera? hehe! peborit ko rin yun! every saturday! Pati rin yung marinela and analuna! hehe! 😀

    • gusto ko sana maipasok yang Coney Reyes on Camera kaya lang lagi ako pinapatulog nung lola ko pag Sabado ng tanghali. Ayoko naman matulog, pinipilit pa. hahaha.

      Yung Marinella at AnaLuna, hintayin mo. Next batch kasi ang mga Drama Series at Comedy Shows. Baka andun sila. Baka lang. Haha. 😛

  15. “Grabe lang yung “black lady na nangangalampag ng pinto.?”

    I still remember that episode. I think I was 10 at that time. The lady who owns the house had no choice but to pass through that door with the black lady. I lost some sleep over that scene.

    I watched GIMIK too, and not TGIS. But only because Saturday afternoon was always band practice. Since I live in Iloilo GIMIK was aired on Sundays at 11 AM. But I stopped watching it after Andrea Blaesi left. She was cute.

  16. tabing ilog is love talaga!!! rovic-eds fan din ako. tas naaalala ko pa yung kissing scne ni gerard madrid-patrick garcia- paolo contis. haha! at ang ever supportive at last member ng original tabing ilog barkada: SI CARIDAD SANCHEZ! hahaha.

  17. waw! good thing i stumbled upon this blog entry…
    i was just googling for something and nag-appear to. haha
    nakakatuwa talaga yung mga gantong memories!
    i <3 those shows din!.. kaso di ako pinapanood ng dad ko ng okatokat noon. hahaha.
    xx

  18. haha..waaahh..I miss the shows..whaha..
    lahat ata ng namiss muh namiss kuh rin..haha..
    I used to watch okatokat nung bata akuh, tapos magtatago sa ilalim ng upuan..haha..umiyak pah kuh nung namatay chracter ni paolo contis..
    whahaha..jologs nah jologs akuh.whaha..
    minsan nga pinagdrasal kuh nah kahit isang episode lang ng ASAP magkakasama ulit ang mga stars ng 90’s..like GImik people, tabing Ilog, whahaha..lumipat pah kasi yung ibah..haaayy..nakakamiss talaga..

  19. reminiscing those shows is like reminiscing my childhood days,it feels so relaxing everytime you remember your old days together with those old shows, i still remember i wont go to school coz thanks GOD its friday afternoon its time to sit and relax while watchin tabing ilog,gimik,magandang gabi bayan and of course saturday nyt magandang gabi bayan,dun nakilala c kabayan noli db.hehehe

  20. Wow! the best tlg and w/ gud quality kpg abs-cbn ang gumawa..galing tlg! paborito q lahat ng shows s channel 2..naala2 q nga nung bata p aq,halos babad aq s panonood ng tv bsta isa lng ang channel..and dat’s channel 2..mag aaway kmi kung cno man ku2ha ng remote control at ili2pat s kung anong channel..hehe..hanggang ngaun nga solid kapamilya tlg aq..haiz! naaala2 q 2loy mga binanggit m shows yoshke..solid kapamilya k rn b?hehe..I believe in the ability and capability of abs-cbn to make such kind of shows..grbe! galing2x tlg! bilib aq..2 da highest level! wla cnabi ang iba network lalo n ang GMA..d nla kya pantayan o higitan ang abs-cbn! ganda p at sikat mga artista nila..thumbs up 4 u kapamilya! keep on doing good shows..Godblez!

  21. sana kz d nlng lumipat ung iba artista s GMA.wala n ung dating kinang ng kasikatan nila..sayang! paborito q tlg okatokat,tabing ilog at gimik.As in kht mkipanood aq nun s kapitbahay,titiisin q ung hiya mkapanood lng nun..nasira kz ung tv nmin dati..pero ok n ngaun..tgal n kya nun..hehe..waaaaaah! solid kapamilya tlg aq 4ever and ever! echoz!..

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.