Nakalimot

Nagulat ako nang biglang bumangon ang kuya mula sa pagtulog sa sala at dali-daling tumakbo patungo sa bukas na pintuan. Dapat kasi ay parati itong nakasara dahil baka makalabas ang bata.

Matapos niyang isara ang pinto ay natigilan siya. Nakatayo lamang. May naalala.

“Nakalimutan ko,” sabi niya sa akin, tila ngayon pa lang naalimpungatan. “Wala na nga pala si Pogi.”

Mahigit isang taon na rin.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.