New Blood

There are two 7-Eleven stores near our place. Halos magkatapat lang sila. We call them 7-Eleven del Norte and 7-Eleven del Sur.

Nung una, sa 7-Eleven del Sur kami bumibili kasi mas malapit. Bihira kami bumili ng rice meal doon but when we do, regardless kung sinong member ng crew ang on duty na usually ay very young, parating pa-sideways yung paglagay nila sa bag. Sobrang careless and messy. Syempre, laging nagli-leak yun or naghahalu-halo yung mga laman.

So nag-decide kami na dun na lang kami sa 7-Eleven del Norte. Ganun pa rin talaga. Minsan kahit iremind mo sila na baka matapon, nakakalimutan nila. Pa-sideways pa rin.

Tinanggap na lang namin na maaaring di talaga part ng training nila yung tamang pag-pack and stack.

Na-share ko lang kasi kahapon, may bagong staff sa 7-Eleven del Norte. First time namin sa kanya. And super refreshing na very mindful nung pagpack niya. Tapos pag-abot, sabi, “Sir, ganito nyo po hawakan ha para di matapon.”

Aba aba aba. ANSABEEEEEEE? Nagulat kami. Natuwa kami.

As we watched her carefully arrange the items and gently remind other customers, we thought, “Ano bang kakaiba dito kay mommy and may care sya?”

And then it hit us. She’s a mommy. At totoo nga.

Ang power talaga ng mga nanay.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.