Top 25 Local TV Shows I Miss: Part 2 – Comedy Shows

Heto na ang second part ng list na ‘to. If you missed the first part, click here.

15. ANG TV

4:30 NAAAA! ANG TV NAAAAAA! Doo waa didi didi dum didi dumm…


Ang sabi ng mentor ko, who happens to be WikiPedia (hahaha), “Ang TV was the first kids’ gag-variety show in the Philippines. Prior to 1992, Director Johnny Manahan enlisted a group of multi-talented kids (& pre-teens) to create the first ever gag-variety show for youngsters in the Philippines.

Most of the country’s current stars can point their humble beginnings to Ang TV. Popular celebrities like Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Rica Peralejo, John Prats, Camille Prats, Paolo Contis, Angelica Panganiban, Patrick Garcia, Kaye Abad, Roselle Nava, Angelu De Leon – to name a few – all jump-started their careers as mainstays of the variety show…”

Esmyuskee, si Sarah Geronimo din pala ay dito rin nagstart. Akalain mo. At pati ang magkakapatid na sina Gio, Luigi at Guila Alvarez.

At grabe marami pa kong paborito dito na nami-miss ko nang bonggang bongga. Hmmm. Lailani Navarro. Lindsay Custodio. Jan Marini Alano. Marnie Arcilla. Sarji Ruiz. Jason San Pedro. Haaaaaaaaay.

14. VICTIM!

Oo na, nakakairita si Carlos Agassi na minsan parang trying-hard maging Ashton Kutcher pero pinapanood ko pa rin ‘to dati. It was first a segment on ASAP Mania but was later developed into a new primetime show to replace “Buttercup.”

Naaalala ko pa yung ibang pranks like yung pinasabog nila yung bahay na malapit sa set ng Lukso ng Dugo at syempre kabadong-kabado si Bernadette Sembrano. Pati yung pinabitin nila sa kawayan a la lechon si Alma Moreno para sa isang dance number.

Sige na, second-rate Punk’d pero what the heck. Sana ibalik nila ‘to. Palitan na lang nila yung host.

13. WHATTAMEN

Sabi nga ng professor ko sa Comm 100 dati, ito na yata ang pinakamaingay na show. (But then again, wala pang Wowowee nun na kahit na naka-mic na eh sigawan pa rin nang sigawan ang hosts.) Grabe, si Ai-Ai delas Alas dito, talak na lang nang talak. (MAAAATTTIIIII!!!!) Nakakatuwa rin si Marvin Agustin dito bilang tatanga-tangang probinsyano, hehe. At saka si Melanie Marquez na mortal na kaaway ni Ai-ai!

Pero I liked the show. Or maybe twas just Rico Yan. Haha.

12. PALIBHASA LALAKE

Dahil tinatamad na ko mag-isip, i-quote ko na lang si Dam-dam. Hahaha. “Alam mong walang sense at pure chauvinism yung tema at porma ng Palibhasa Lalake, nakakatawa pa rin siya bilang waaaah, Cynthia Patag na kapatid ni Amy Perez.

Kumusta naman ang hawak-hawak niyang teddy bear lagi. Simbolismo na rin kaya yun ng pagiging weak ng mga babae at never nilang na-outgrow ang role na yun?

Sila ang nagpauso ng pagbubuhos ng tubig sa mga guest pag patapos na yung show tsaka gawing katatawanan ang personal life ng mga main actors.

Kahit ganun siya, nakakatawa siya. Musta naman ang Gwapings! Waaaah.”

So there. Sinabi na nya lahat. Haha.

11. TROPANG TRUMPO

Walang kwenta ang “Bubble Gang” kung hindi lumipat sina Ogie Alcasid at Michael V mula Tropang Trumpo. Grabe lang. Nung umalis sila, halos namatay na yung show.

Nauso yung “chicken” (with matching hand movement) dahil dito. Peborit ko si Carmina Villaroel at Gelli de Belen dito noon. Ang bungisngis lang nila pareho. Pag nagro-roll na yung credits, tawang tawa ako sa bloopers nilang dalawa.

Tsaka yung mga jingles na ginagaya nila like yung sa Showbiz Lingo dati at yung sa Caronia na commercial. Hihi.Pati yung “Bahaw… Ang Kaning Lamig,” panalo rin. At syempre, Battle of the Brainless.

Nakuha ko from a PEX poster:

Battle of the Brainless…
Host: Ano ang pambansang ibon ng Pilipinas?
Contestant: Kwago.
Host: Hindi letter “M” simula…
Contestant: Manok?
Host: Hindi! BROWN siya!
Contestant: Piniritong manokkkk?
Host: Hindi! Ang last letter niya ay “A”…
Contestant: Piniritong Manoka?
Host: MALIIT lang siya!
Contestant: Maliit na piniritong manoka!

Haaay. Nakaka-miss lang.

10. ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA

Bago pa man sinalo ng mga cute kids ng Goin’ Bulilit ang pangma-mock sa Philippine society, adults ang gumagawa nun through Abangan.

Haaay, dahil sabaw ako ngayon at long-overdue na ‘tong post na ‘to, iquo-quote ko na lang ulit si Damdam. Hahaha.

“Ito yung diyos ng comedy na intelektwal, me slapstick konti at matapang, given the political climate sa Pilipinas nung panahong yun. Anggaleeeng.

Namimiss ko na ang mga Tengco, kakatawa sina Tessie Tomas (kahit hysterical), Anjo Yllana at Noel Trinidad dun. Kumusta naman si Sammy Lagmay na poreber nang nastereotype bilang kapitan ng baranggay at ang asawa niyang si Winnie Cordero at anak na si Jennifer Sevilla. Buwaha.

Andyan pa si Nova Villa na makabagong Donya Victorina na hanggang sa huling episode ng show, di pa rin tinanggal ang plastic ng sofa niya. Waaah.

Grabe lang si Roderick Paulate at si Carmi Martin na nagtatrabaho sa Kulasisi Bar at yung japayuki na kasama niya na sobrang nakakatawa, si Stephanie.

Lahat ng satire sa showbiz, pulitika, gobyerno at sa ordinaryong tao, ginawa ng Abangan. Napakarepleksyon lang siya ng kahibangan at kaipokrituhan ng mga Pilipino and the irony was, tawang-tawa tayo na makita yung mga sarili natin sa mga karakter nila.”

Sayang wala na ‘to. Nag-try silang ibalik ‘to e, yung “Eto na Ang Susunod na Kabanata,” kaso hindi nagwork. Eh kasi sabi nila, ang hirap daw kasi i-mock ngayon ang pulitika sa Pilipinas. Hating-hati raw kasi ang mga tao sa kinakampihan: Administrasyon o Oposisyon. Hindi daw tulad dati. Sabi nila.

Sabi ko naman, hala, wala pala akong sinabi. Ayoko muna mag-isip.

Speaking of Abangan, abangan nyo na lang din yung last batch ng list na ‘to — the teleseryes. Any guesses?

Comments

  1. abangan ang susunud na kabanata – patok! galing na satire! Gusto ko ung

    pangalan ni anjo – dino : ferdinand benigno

    ung hairdo ni barbara tengco parang may fly over!!

    may episode nung nauso ung brick game, lahat sila nagbribrick game! hahaha!
    lahat ng impersonator may trabaho nung araw..

  2. i’ve been admiring yoshke for a week now. his writing style is simply superb.. entertaining.. makes me laugh even harder.

  3. namiss ko din bigla ang tv. inaabangan ko dati yun tuwing hapon at minsan din akong nangarap na sana makasali din ako dun.

    ambisyoso talaga ako. hehe

    musta na yoshke?

  4. Abangan ang sususnod na kabanata!!!! at tropang truimpo defined the 90s as a politically repressed generation…tama ba? naku sabaw din utak ko. Chicken. sabaw. chicken soup.

  5. Peborit ko si Carmina Villaroel at Gelli de Belen dito noon. Ang bungisngis lang nila pareho.

    oo. ang saya lang nila. tapos si carmina villaroel laging “pustiso” ang sagot sa mga “ano daw?!” jokes niya.

  6. At tulad nga ng sabi ni Bebs, pati ang magkapatid na sina Gio at Guila Alvarez.

    nakalimutan niyo ang pinakamatanda sa magtkakapatid na si luigi.
    hahahaha.

  7. anak ng tinoklang kabayo… waaaaahhh…. paborito ko si Chyntia patag!!!! wahahahahahahaha!!!!! Idol ko un.. baliw din ako eh.. hahahahahha.. anung teleserye? hmm… Nasabi na ung mArA Clara eh.. bka. KIRARA.. ahahahhaa.. o keya VALLIENTE ( ang katunggali sa hapon ni Mara clara) Naalalala ko pa na kinanta pa ni vic sotto ung theme song nun…

  8. LOL! lagi ako nanonood ng ANG TV!! ahaha si katya santos din galing ang tv

    teleseryes?? Pangako Sa’yo? Mara Clara? Kay Tagal Kitang Hinintay? Maging Sino Ka Man? Annaluna? Marinella? Bituin? hehe

  9. ang pangit nung gaganap na narcissa…hindi xa yung napicture ko while reading hp..hmm..pero ok na rin. visit mugglenet.com 🙂

  10. hahaha… naaalala ko lahat ng ito!!! tatawa ako sa abangan… at saka sa Ang TV… ngapala si Guila… katrabaho ko ngayon… hehehe medyo sosyal work nun ngayon!!!

  11. tropang trumpo at abangan ang susunod na kabanata… di ako nanonood ng tv that much noon but i always made sure na mapanood ko tong mga shows na ‘to week after week… nakaka-miss haha. battle of the brainless… waaaaah!

  12. Ay, wala dito ang Home Along Da Riles? Funny talaga dun si Azon na ang tindi ng gusto ky Mang Kevin. Tsaka yung character ni Bernardo Bernardo at ng “Babaeng walang balakang” na si Cita Astals. Oh, those were the days…

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.